MANILA, Philippines — Isang putol na paa ng tao ang natagpuan nang inanod sa beach sa Calatagan, Batangas nitong Sabado ng umaga.
Ayon kay PMaj. Emil Mendoza, hepe ng Calatagan Police Station, dakong alas-9 ng umaga nang mapansin ng nag-iikot na lifeguard ang putol na paa sa baybayin ng isang beach resort sa Barangay Bagong Silang, Calatagan.
Pinaniniwalaang sa babae ang putol na paa na maputi, makinis at nasa tamang edad na.
Dinala ang putol na paa sa isang funeral parlor sa Calatagan kung saan kumuha naman ng DNA sample ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sumailalim sa pagsusuring forensic unit ng Camp Crame.
Nakikipagugnayanna rin ang pulisya sa mga barangayofficials na malapit sa lugar na posibleng makatulong upang makilala ang biktima.