Sanggol napugutan habang iniluluwal ng ina

MANILA, Philippines — Naputulan ng ulo ang isang sanggol na babae habang iniluluwal ng kaniyang ina nitong Lunes sa isang private clinic sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nagtungo sa himpilan ng Station 1 Puerto Princesa­ Police Station ang ama ng sanggol na si Antonio Singson Jr., para ireklamo ang clinic na nagpaanak sa kanyang misis.

Ayon kay Singson, bago sumakit ang tiyan ng kanyang misis ay nagpa-check-up pa ito sa clinic at sinabing kabuwanan nito sa Nobyembre 28. Subalit, nitong Lunes, ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan ang misis kaya dinala na niya sa clinic. Bago niya iwanan doon, naririnig pa niya ang ginagawang pagpapaanak ng doktor sa kanyang asawa.

Nalaman na lamang ni Singson na patay ang iniluwal na anak ng misis subalit mas nagulat siya nang malamang naputol ang ulo ng sanggol.

Giit ni Singson, posibleng itinatago ng clinic ang tunay na nangyari sa kanyang anak

Show comments