MANILA, Philippines — Isang big time drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Barangay Sto. Niño, Biñan City, Laguna, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ang suspek na si alias Norodin, 32, nakalista bilang High Value target individual hindi lang sa Laguna kundi sa Calabarzon region.
Nakumpiska sa suspek ang isang pirasong vacuum sealed transparent plastic na naglalaman ng 1,000 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P6,900,000 and marked money.
Sinabi ni P/Col. Harold Depositar, Laguna police director, ang isa nilang anti-drug intelligence agents ay nagawang makapagtransaksiyon sa suspek matapos ang isang linggong pagmamanman dito sa kanyang barangay bago isinagawa ang buy-bust operation.