Kumander ng CTG, dedo sa engkuwentro

Magkahiwalay na kinumpirma nitong Biyernes nina Brig. Gen. Michael Santos, commander ng 603rd Infantry Brigade, at ni Major Gen. Alex Rillera ng 6th Infantry Division ang pagkasawi nitong Martes ni Rey Masot Zambrano na naka-engkuwentro ng tropa ng 37th Infantry Division sa isang liblib na pook sa Barangay Obial sa Kalamansig, isang seaside municipality sa Sultan Kudarat.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang high ranking leader ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos makaengkuwentro ng mga sundalo sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat.

Magkahiwalay na kinumpirma nitong Biyernes nina Brig. Gen. Michael Santos, commander ng 603rd Infantry Brigade, at ni Major Gen. Alex Rillera ng 6th Infantry Division ang pagkasawi nitong Martes ni Rey Masot Zambrano na naka-engkuwentro ng tropa ng 37th Infantry Division sa isang liblib na pook sa Barangay Obial sa Kalamansig, isang seaside municipality sa Sultan Kudarat.

Si Zambrano, na wan­ted sa iba’t ibang kasong nakabinbin sa mga korte sa Central Mindanao, kabilang na ng extortion, pagkupkop ng mga taong sangkot sa iba’t ibang krimen at pagsunog ng mga heavy equipment ng mga construction companies na ayaw magbigay ng “protection money,” ay commander ng Timlas Platoon na sakop ng Far South Mindanao Region ng grupong New People’s Army, ngayon mas kilala na bilang communist terrorist group, o CTG.

Iniwan ng mga kasama ni Zambrano ang kanyang bangkay at mga gamit, kabilang na ang isang AK-47 assault rifle at .45 caliber pistol sa kanilang pagtakas nang mapansin na dahan-dahan na silang napapalibutan ng mga kasapi ng 37th IB na kanilang nakabarilan.

Sa tulong ng mga LGU officials, abot na ng 126 na kasapi ng CTG ang sumuko, mula nitong nakalipas na taon, sa mga unit ng 603rd Infantry Brigade, na sakop ang probinsya ng Sultan Kudarat.

Show comments