Dalaga minolestya, pinagbabaril ng amain

Kasalukuyang inoob­serbahan sa pagamutan ang kondisyon ng biktima na itinago sa pangalang Rea, ng Brgy. Garita B, Maragondon, Cavite.
STAR/ File

CAVITE , Philippines — Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang isang 23-anyos na dalaga makaraang pagbabarilin ng kanyang amain na inireklamo nito sa pangmomolestya sa kanya kamakalawa ng gabi sa bayan ng Maragondon sa lalawigang ito.

Kasalukuyang inoob­serbahan sa pagamutan ang kondisyon ng biktima na itinago sa pangalang Rea, ng Brgy. Garita B, Maragondon, Cavite.

Nakatakas naman ang stepfather ng biktima na si Alberto Roben Havier, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Mabacao, Maragondon, Cavite.

Sa imbestigasyon ni Police Sgt. Lenon Joy Pong-et, may hawak ng kaso, alas-12:30 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan sinugod ni Havier ang ana­k-anakan sa bahay nito at kinompronta hinggil sa kasong “act of lasciviousness” na isinampa ng dalaga laban sa amain.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Kahit na sugatan, nagawa pa ring makatakbo ang biktima at humingi ng tulong kaya naisugod siya sa pagamutan.

Show comments