Bigtime drug dealer timbog sa P.5 milyong ‘damo’

CAVITE, Philippines — Nalambat na ng awtoridad ang matagal na nilang minamanmanang bigtime drug dealer sa ikinasang buy-bust operation kahapon sa Brgy. Paliparan 3. Dasmariñas City.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dakmain ng mga operatiba na nakilalang si Joshua Ruelen Borado, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City at kasama sa high value target (HVT) list ng pulisya.

Sa ulat, alas-10 ng umaga nang ilatag  ng puwersa ng Dasmariñas City Police  ang anti-Illegal drug operation laban sa suspek.

Nang magpositibo ang transaksyon, agad na ­inaresto ang suspek at nakuha sa posesyon nito ang 21 transparent zip locks na plastic sachet na naglalaman ng mga “kush” (marijuana) na nakalagay sa isang ecobag na aabot sa timbang na 365.00 gramo at may halagang P547,500.

Nakumpiska rin sa suspek ang isa pangtranspa­rent zip lock na may lamang 15 bote ng Cannabis oil na may timbang na 15.00 gramo na nagkakahalaga ng P37,500,  sling bag, isang cal .38 na may  Serial Number 51836,  mga bala at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Show comments