Higit 200-kilong ‘hot meat’ nakumpiska

Dalawang  grupo ng inspection team  ang umikot sa ilang pamilihan at palengke kabilang na ang Imus Public Market kung saan dito nakumpiska ang mga frozen meat products.
Ernie Penaredondo / File

CAVITE, Philippines — Nasa mahigit dalawang daang kilo ng karneng baboy na itinuturing na “hot meat” ang nakumpiska matapos ang ikinasang joint operation ng Imus Local Government Unit at National Meat Inspection Services sa Imus Public Market kahapon.

Dalawang  grupo ng inspection team  ang umikot sa ilang pamilihan at palengke kabilang na ang Imus Public Market kung saan dito nakumpiska ang mga frozen meat products.

Ayon sa NMIS, undocumented imported meat, kawalan ng meat inspection certificate at kasalukuyang kondisyon ng mga ibinebentang produkto ang mga pangunahing dahilan kaya kinumpiska nila ang mga ito na maaaring makasama o makaapekto sa mga consumers at mamimili.

Pagkatapos ng inspection, agad na nai-turn over sa Imus slaughter house ang mga nasamsam na frozen meat para sa proper disposal nito.

Show comments