COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang dalawang matagal ng wanted na mga kasapi ng communist terrorist group (CTG) sa hiwalay na operasyon ng mga unit ng Police Regional Office-13 sa Bayugan City sa Agusan del Sur nitong Lunes.
Sa pahayag nitong Biyernes ni Brig. Gen. Pablo Labra II, director ng PRO-13, nakakulong na ang mga naarestong sina Saniel Husgalan, 34-anyos, at ang 33-anyos na si Noel Canhatan na kapwa “wanted” sa mga hiwalay na kasong murder.
Ayon sa mga lokal na opisyal sa Agusan del Sur, kilalang mga leader ng mga armadong grupo ang dalawa na nangingikil ng buwanang “protection money” sa mga negosyante sa mga liblib na mga barangay at marami nang pinatay na mga tumutol sa kanilang gawain.
Magkasunod na naaresto ang dalawang opisyal ng Guerilla Front 88-North Central Mindanao Regional Committee ng New People’s Army sa kanilang hideout sa Bayugan City sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad bitbit ang mga warrants of arrest para sa mga kasong kanilang kinakaharap sa iba’t ibang korte.