DepEd Cotabato na-hack, panay video ng pagpapasuso ang paskil sa Facebook

Kuha ng isa sa mga video na in-upload sa Facebook ng DepEd Cotabato Division Page
Video grab mula sa Facebook ng DepEd Cotabato Division Page

MANILA, Philippines — Isa na namang social media page ng gobyerno ang nahulog sa kamay ng mga hacker — sa pagkakataong ito, binaha ang netizens ng mahahabang uncensored videos ng mga nanay na nagpapadede at pornograpiya.

Sabado pa nang sabihin ng Department of Education Schools Division Office-Cotabato na na-hack ang kanilang FB page. Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin sa pagpo-post ang naturang socmed page hanggang Miyerkules at walang nada-down.

"We regret to inform you that our Official Facebook Page: DepEd Cotabato Division Page has been hacked. We are currently taking all necessary steps to address the issue and regain access to our page," ayon sa DepEd SDO-Cotabato.

"We apologize for any inconvenience this may have caused and assure you that we are doing everything in our power to reserlve this situation as quickly as possible."

 

Umabot na sa 22 uncensored videos ang naipapaskil ng pahina sa ngayon. Ang karamihan dito, nakatitig pa diretso sa camera ang mga babae.

Nag-post pa ang DepEd page ng link sa public FB group na "Young and Sexy Woman," kung saan babaeng nakikipagtalik ang litrato.

Ang caption sa mga naturang posts sa pahina ng DepEd ay parehong-pareho noong na-hack din ang FB page ng City Transport and Traffic Management Office - Davao City: "#FIFAWorldCup2023?????? l miss you ??????#EP08??????i love you."

"In the meantime, we strongly advise our followers to avoid interacting with any posts or messages on our Facebook page until further notice," patuloy pa ng Kagawaran ng Edukasyon.

"We will keeo you updated as soon as we regain control of our page and resume our regular activities."

Abril lang din nang ma-hack din ang socmed pages ng Department of Health at Department of Science and Technology.

Kamakailan lang nang nakapagtala ng 3,000 "high level" cyberattacks ang Pilipinas simula 2020 hanggang 2022, wika ng Department of Information and Communications Technology. — James Relativo

Show comments