Motorcycle rider todas sa ambush!

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang patay nang barilin ng ‘di kilalang salarin sa isang ambush na naganap sa Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Pepito Leyte Timbang Jr. bunsod ng tama ng bala sa katawan habang nakatakas naman ang di pa kilalang salarin bitbit ang di pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Daang Pari, Sitio Hinapao, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na lulan ang biktima ng kanyang Honda motorcycle na may plakang 695 UEQ at binabagtas ang naturang lugar, mula sa Brgy. San Jose patungo sa Antipolo City town proper, nang pagsapit sa madilim na bahagi ng kalsada ay bigla na lang siyang tambangan at pagbabarilin ng salarin.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin, na tinutugis na ngayon ng mga otoridad. 

Show comments