Ginang pinatay sa loob ng CR

Kinilala ang mga nasawi sina Bokal Michael Angelo Ramones at si Mario Acupan, isang barangay peacekeeping action team member.
STAR/ File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay na nang madiskubre ang isang ginang at may tama ng bala sa katawan sa loob ng isang comfort room sa tabi ng kanyang tahanan sa Buenavista, Quezon nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi sina Bokal Michael Angelo Ramones at si Mario Acupan, isang barangay peacekeeping action team member.

Nadiskubre ng kanyang kapatid na si Anita ang nakahandusay na katawan ng biktima at wala nang buhay sa loob ng isang palikuran na nasa labas ng bahay ng huli noong Biyernes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng mga rumespondeng pulis, lumalabas na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang kili-kili ang biktima.

Sinabi sa mga imbestigador ni Felix Tijas, anak ng biktima, na ang bahay ng kanyang ina ay matatagpuan sa malayo at bulubunduking bahagi ng nasabing barangay.

Sinabi ni Tijas na nakarinig siya ng putok ng baril mula sa bahay ng kanyang ina na may mahigit kumulang sa 50 metro ang layo sa bahay ng una.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek at motibo nito sa krimen.

Show comments