P3.9 milyong smuggled na sigarilyo naharang sa Zamboanga

Kinilala ng Zamboanga City Police ang suspek sa alyas Mhadzmar, 38.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang ­inaresto ng mga otoridad nang masamsam sa kanya ang 113 kaha ng puslit na sigarilyo na nasa P3.9 milyong halaga sa ikinasang operasyon kamakalawa ng umaga sa Brgy. Maasin, Zamboanga City.

Kinilala ng Zamboanga City Police ang suspek sa alyas Mhadzmar, 38.

Batay sa ulat ng Zamboanga City Police Office, isinagawa ang operasyon, alas-9:00 ng umaga matapos makatanggap ng report na ibabagsak ang mga sigarilyo sa bahay ni Hadji Amir sa Barangay Maasin.

Agad na tinungo ng mga otoridad ang lugar at nagpositibo ang impormasyon na nagresulta sa pagdakip sa suspek.

Nasa kustodiya na ng Regional Special Operations Group 9 ang suspek habang naiturn-over na rin sa Bureau of Customs ang nakuhang smuggled items.

Show comments