COTABATO CITY, Philippines — Isinuko sa militar nitong Biyernes ng ilang mga residente ng Upi, Maguindanao del Norte at Lebak, Sultan Kudarat ang 13 na iba’t ibang hindi lisensyadong baril.
Sinabi nitong linggo ni Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division, na kusang loob na nagsalong ng kanilang mga baril ang mga residente ng dalawang bayan bilang pagpakita ng suporta sa disarmament program ng 6th ID.
Isinuko ang naturang mga baril sa pakiusap ni Lt. Col. Guillermo Mabute ng 57th Infantry Battalion at ni Brig. Gen. Michael Santos na commander ng 603rd Infantry Brigade.
Kabilang sa mga armas na nakolekta ng 57th IB ang isang .30 caliber Carbine rifle, apat na shotgun, tatlong .45 caliber pistol, isang .38 revolver, isang M203 grenade launcher at dalawang single-shot na M79 grenade launcher.
Isinagawa ang boluntaryong pagsalong ng naturang mga armas nitong Biyernes sa headquarters ng 57th IB sa Barangay Purikay sa bayan ng Lebak.