Higit 700 opisyal at mga kawani sa Quezon, sumalang sa drug test

Ang programa ay tinawag na “BIDA Kaming Kawani ng Gobyerno, Ehemplo ng Garantisadong Serbisyo sa Drug Test” at pinangunahan nina Mayor George Suayan at Vice Mayor Macario Boongaling.
Pixabay

Candelaria, Quezon, Philippines — Bilang pagsuporta sa kampanya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa iligal na droga, nasa 756 na mga opisyal ng bayang ito na kinabibilangan ng mayor, vice-mayor, sangguniang bayan, mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga barangay officials, Sangguniang Kabataan (SK) at mga barangay tanod ang sumailalim sa onsite drug testing, kamakalawa.

Ang programa ay tinawag na “BIDA Kaming Kawani ng Gobyerno, Ehemplo ng Garantisadong Serbisyo sa Drug Test” at pinangunahan nina Mayor George Suayan at Vice Mayor Macario Boongaling.

Ayon Kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Ledon Monte, ang isinagawang drug testing ay pagpapakita na dapat maging halimbawa ang mga nanunungkulan sa kampanya laban sa illegal drugs at kung may magpositibo ay isasailalim sa imbestigasyon at papatawan ng karampatang kaparusahan batay sa civil service law.

Show comments