Motor vs trike: Sanggol at rider, utas

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang katao kabilang ang isang sanggol sa naganap na banggaan ng motorsiklo at tricycle, kamakalawa sa San Lorenzo, lalawigan ng Guimaras.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang aksidente ay pagewang gewang umano ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ni Michael Nono nang mabangga ang tricycle na sinasakyan ng sanggol na minamaneho ng ama nito.

Ayon pa sa pulisya na galing umano ang rider sa isang party ka­ya’t posibleng nakainom ito at hindi rin umano nagsuot ng helmet nang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa tricycle.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa ulo ang mga biktima na agad nilang ikinamatay.

Nakaligtas naman ang iba pang pasahero ng tricycle at maging ang angkas ng motorsiklo.

Show comments