18 barangay sa Laguna, idineklarang ‘drug free’

Ayon kay Lt. Col. Paul Sabulao, hepe ng pulisya ng Sta. Rosa City, lahat ng barangay sa lungsod ay idineklara nang klaro sa droga ng Phil. Drug Enforcement Agency 4A, Department of Interior and Local Government, Local police authorities at Local Government Unit matapos ang masusing mga pag-aaral, ebalwasyon at monitoring; at base sa data evidence na nakalap.
File

LAGUNA, Philippines — Nasa 18 barangay sa Sta. Rosa City ng lalawigang ito ang idineklara nang “drug free”.

Ayon kay Lt. Col. Paul Sabulao, hepe ng pulisya ng Sta. Rosa City, lahat ng barangay sa lungsod ay idineklara nang klaro sa droga ng Phil. Drug Enforcement Agency 4A, Department of Interior and Local Government, Local police authorities at Local Government Unit matapos ang masusing mga pag-aaral, ebalwasyon at monitoring; at base sa data evidence na nakalap.

“We are now conducting revalidation assessment because all the barangays have been cleared for almost a year, so, we are now re-validated if the drug activities are back in their respective barangays,” ani Sabulao.

Sinabi ni Sabulao na may mga drug suspects pa silang naaresto sa mga barangay, gayunman, ang mga nadakip na street pushers o users ay mga tinaguriang “newly identified individuals” o hindi kabilang sa kanilang dating listahan at hindi residente sa lungsod.

Giit ni Sabulao, walang drug den o mini-shabu laboratory sa lungsod at karamihan sa mga droga na pumapasok mula sa mga dayong tulak ay nagmula rin sa labas ng siyudad.

Kabilang sa mga ba­rangay na drug cleared na ng halos isang taon ay ang Aplaya, Balibago, Caingin, Dila, Dita, Don Jose, Ibaba, Kanluran, Labas, Macabling, Malitlit, Malusak, Market Area Pook, Pulong Santa Cruz, Santo Domingo, Sinalhan at Tagap.

Show comments