Pari na pinaaaresto sa rape, sumuko

Ang akusadong si Fr. Karole Reward Israel, assistant parish priest ng Saint Vincent Ferrer Parish sa Solana, Cagayan, ay nakapiit na sa Cagayan Provincial Jail matapos  ipasa ng Lal-lo Police kasunod ng kanyang kusang-loob na pagsuko, ayon sa Cagayan Provincial Information Office kahapon.
STAR/ File

CAGAYAN, Philippines — Matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte, sumuko na ang isang pari na sinampahan ng isang dalagitang estudyante ng patung-patong na kaso kabilang ang rape sa lalawigang ito, noong Huwebes.

Ang akusadong si Fr. Karole Reward Israel, assistant parish priest ng Saint Vincent Ferrer Parish sa Solana, Cagayan, ay nakapiit na sa Cagayan Provincial Jail matapos  ipasa ng Lal-lo Police kasunod ng kanyang kusang-loob na pagsuko, ayon sa Cagayan Provincial Information Office kahapon.

Magugunita na naglabas ng warrant of arrest si Judge Dennis Mendoza ng Regional Trial Court Branch 4, Tuguegarao City laban kay Fr. Israel dahil sa 20 counts ng acts of lasciviousness, voyeurism at rape.

Una nang nadakip si Fr. Israel noong Oktubre 18, 2022, ng National Bureau of Investigation subalit agad din siyang nakalaya matapos maglagak ng P183,000 na piyansa.

Show comments