Watawat ng Pinas ginawang kober ng kotse, lalaki kinasuhan

Ayon kay PLt. Joebert Amado, deputy chief ng Mandurriao Police Station, kasong paglabag sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ang isinampa laban kay Jared Serrano, 25 sa Iloilo City Prosecutor’s Office.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso ng Mandurriao Police ang lalaki matapos nitong gawing cover ng kotse ang bandila ng Pilipinas.

Ayon kay PLt. Joebert Amado, deputy chief ng Mandurriao Police Station, kasong paglabag sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ang isinampa laban kay Jared Serrano, 25 sa Iloilo City Prosecutor’s Office.

Nakasaad sa batas na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng Philippine flag bilang panakip sa kisame, dingding o kahit sa anumang bagay na nagpapakita ng pagkawalang respeto sa bandila ng bansa.

Umaasa ang kapulisan na sa nangyaring paglabag ay magsilbi itong aral sa publiko na huwag gamitin sa anumang bagay ang watawat na nagpapakita ng kawalang respeto.

Ang mga mapapatunayang lalabag sa naturang batas ay maaaring makulong ng hindi hihigit sa isang taon at multa na mula P5,000 hanggang P20,000.

Nasa kustodya pa rin ng pulisya si Serrano.

Show comments