SARIAYA, Quezon, Philippines — Umaabot sa 87 marine turtle hatchlings (olive ridley sea turtle) o pawikan ang pinakawalan sa baybay dagat ng Brgy. Bignay 2, Sariaya, Quezon kahapon.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kawani mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas, Municipal Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Roda Valenzuela; Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Nelia Oribe; Bantay Dagat, at Barangay Officials ng Bignay 2.
Samantala, patuloy na ipinapaalala ng CENRO Tayabas sa publiko na ayon sa Department Administrative Order No. 2019-09, ang olive ridley ay kasama sa listahan na itinuturing na “endangered” at kailangan protektahan sa ilalim ng Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001).
Ipinagbabawal sa batas ang paghuli, pagkolekta, pagbebenta at pag-aalaga ng mga pawikan gaya ng olive ridley at iba pang mga “endangered” na hayop.