Sa palsipikasyon ng dokumento...
MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan ng 48 taong pagkakakulong ang isang dating alkalde ng Cortes, Bohol kaugnay ng pamemeke ng dokumento sa likidasyon ng gastusin ng tanggapan nito noong 2010.
Base sa 39 pahinang desisyon sa promulgasyon ng kaso na ibinaba ng Fifth Division ng anti-graft court nitong Enero 20, si dating Cortes Mayor Apolinaria Balistoy ay nahatulan ding makulong ng mula 6 taon hanggang isang buwan at 8 taon sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Samantalang inatasan rin si Balistoy na bayaran ng halagang P20,779.50 na may interes na 6% kada taon hanggang sa tuluyan itong mabayaran ng kabuuan sa nawalang pera ng nasabing munisipyo.
Bukod sa diniskuwalipika rin ng anti-graft court si Balistoy na humawak at tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Base pa sa desisyon ng Sandiganbayan, si Balistoy sa kasong pamemeke ng mga dokumento, hinatulan ito ng apat na buwan hanggang dalawang buwan hanggang sa 10-taong pagkakabilanggo sa bawat isa sa apat na counts ng palsipikasyon.
Inatasan din ng anti-graft court si Balistoy na magbayad ng P10,000 sa bawat count ng nasabing kaso.
Sa rekord ng korte, nag-ugat ang kaso sa paggamit ni Balistoy ng mga pinekeng Certificates of Appearance sa hindi awtorisadong pagbiyahe nito sa lungsod ng Cebu.