Mister tepok sa suntok sa piyesta

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raymond Abano, 37, may-asawa habang ang tumakas na suspek na si Daniel Castro, residente ng Brgy. Pinagsakayan, Calauag, Quezon.
STAR/File

CALAUAG, Quezon, Philippines — Patay ang isang mister makaraang pagsusuntukin ng kapwa mangingisda habang idinaraos ang kapistahan ng Brgy. Sitio Punta, Purok Singko, Brgy. Kuyaoyao sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raymond Abano, 37, may-asawa habang ang tumakas na suspek na si Daniel Castro, residente ng Brgy. Pinagsakayan, Calauag, Quezon.

Ayon sa ulat ni PMajor Reynaldo Panebe Jr., hepe ng pulisya rito, habang idinaraos ang barangay fiesta bandang ala-1:25 ng madaling araw, kinompronta ng biktima ang kapatid na lalaki ng suspek na nauwi sa panununtok nito.

Nang makita ng suspek na agrabyado ang kanyang kapatid ay tumulong ito at pinagsusuntok ang biktima sa mukha hanggang sa humandusay at mawalan ng malay ang huli.

Nadala pa sa St. Peter General Hospital ang biktima subalit namatay kinalaunan.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.

Show comments