Mister itinumba sa kanyang bahay

RAGAY, Camarines Sur, Philippines — Bulagta sa loob mismo ng kanilang bahay ang isang mister matapos pasukin at barilin ng hindi nakilalang salarin sa Zone-1, Brgy.Panaytayan,ng nasabing bayan,kamakalawa ng gabi.

Dakong, ala-1:40 ng madaling araw nang madiskubreng patay na ang biktima na kinilalang si Victorio Agbay Jr., 51, may-asawa, residente ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya,alas-10:30 ng gabi nakarinig ng isang malakas na putok ang mga kapitbahay ng biktima na inakala nila na putok lang ng firecracker kaya hindi nila pinansin.

Maging ang kanyang pamilya ay hindi agad nalaman ang nangyari at nadiskubre lang ang duguang bangkay ng biktima nang magising ang kanyang apo kinaumagahan ng madaling araw.

Show comments