1 sa 9 missing fishermen sa Albay, lumutang

RAPU-RAPU, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isa sa 9 na mangingisdang nawawala matapos matagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Brgy. Calanaga ng bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang bangkay na si Ariel Araojo, 43-an­yos, residente ng Brgy. Palnab Del Norte, Virac, Catanduanes. 

Patuloy namang pi­nag­hahanap ang walo pang mangingisda na kinilalang sina Noel Zafe, nasa hustong gulang at Dante David, 41-anyos, kapwa residente ng Brgy. Palnab, Virac, Catanduanes; Domingo Borilla, 33, at Jason Mandasoc, 31; na mga taga-Brgy. San Vicente ng naturang bayan; Willy Ralf De Leon Uchi, 35; Juanito Torregosa, 51; Ringo Ogale Tupig, 37, at Jobert Gianan Teaño, 33, kapwa residente ng Brgy. Buenavista, Viga, Catanduanes.

Una nang natagpuang buhay kamakalawa ng umaga si Norman Lim, 33-anyos ng Brgy. San Roque, Virac habang ginaw na ginaw na palutang-lutang malapit sa baybayin ng Brgy. Nagcalsot, Rapu-Rapu, Albay.

Sa ulat, pumalaot ang mga mangingisda noong umaga ng Disyembre 21 sakay ng tatlong moto­rized banca pero sinalubong sila ng naglala­kihang alon sa gitna dahilan para lumubog ang kanilang mga sinasak­yang bangka.

Mula kahapon ay sinusuyod na ng search and rescue team na binuo ng Office of Civil Defense katuwang ang Philippine Air Force Tactical Operation Group 5 ang malawak na karagatan ng lalawigan ng Catanduanes at Albay para mahanap ang mga nawawalang mangingis­da.

Show comments