1-anyos nalunod sa loob ng binahang bahay

MANILA, Philippines — Wala nang buhay at natagpuan na nakalutang ang 1-anyos na batang lalaki sa loob ng kanilang bahay matapos pasukin ng tubig baha sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan,kahapon ng umaga sa Libmanan,Camarines Sur.

Ayon kay Libmanan MDRRMO chief Rowel Tormes, nakatanggap sila ng report hinggil sa nalunod na bata sa loob ng kanilang bahay.

Sa pagresponde ng mga otoridad, agad na dinala sa ospital ang bata,subalit dineklara na rin itong patay ng mga doktor.

Bata sa report, magkatabing natulog ang ina ng bata at lola nito at posibleng gumalaw ang bata at hindi ito namalayan ng ina na hulog sa tubig-baha sa loob ng kanilang bahay na may taas hanggang tuhod.

Nagising na lamang ang ina na wala na sa kanyang tabi kaya hinanap nila ito hanggang sa nakita nagpalutang-lutang na sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na ilang araw ng malakas ang buhos ng ulan sa nasabing bayan at inilikas na rin ng mga otoridad ang mga residente na lumubog sa bahay ang mga bahay.

Show comments