MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang inaresto makaraang magtangkang magbenta online sa ninakaw na reel ng telecommunication cable wire na nagkakahalaga ng isang milyong piso.
Sa ulat, nakatanggap ang Imus City Police Station (CPS) ng report mula sa telecom sub-contractor na nanakaw ang naturang item noong Nobyembre 11.
Mismong ang complainant din ang nag-imporma sa pulisya tungkol sa isang social media post na nagbebenta ng eksaktong item sa bargain price na P110,000.
Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya at naaresto ang mga suspek na sina Rustom Nova Alberca at Dominic Coquilla Lazala.
Sa isinagawang operasyon, hindi lamang isang reel ang narekober sa mga suspek kundi dalawang reel na may halaga umanong P1 milyon.
Nasa kostudya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa anti-fencing law.