ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Tinatayang umaabot sa P34,000 ang halaga ng ipinagbabawal na gamot ang di umano ay nabili ng mga operatiba ng gobyerno sa isang magsasaka sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Ang suspek na si Semion Rabalo, 30, ay naaresto sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group.
Ayon kay Police Capt. Richard Obsid, tagapagsalita ng Romblon Police Provincial Office, nangyari ang buy-bust operation hapon ng October 22 katuwang ang PDEA Romblon sa ilalim ng COPLAN TORONTO.
Nabilhan umano ang suspek ng droga gamit ang boddle money.
Dinala na ang suspek sa Cajidiocan Municipal Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 Art II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
--
Ang Romblon News Network ay regional partner of Philstar.com.