Kagawad inatado sa bukid

LIBON, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang barangay kagawad matapos pag­tatagain sa katawan sa kanyang bukid sa Brgy. Macabugos ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Duguang nakahandusay nang matagpuan ng kan­yang anak ang biktima na si Jerry Bello Vargas, 65-anyos, residente at incumbent kagawad ng Brgy. Macabugos, Libon, Albay.

Nauna rito, dakong alas-6 ng umaga ay umalis sa kanilang bahay ang kagawad para puntahan ang kanyang mga alagang bebe sa kanilang bukid. Gayun­man, dakong alas-3 ng hapon ay natagpuan ang biktima ng kanyang anak na si Norman na duguan at may mga taga na sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis na isinugod ang biktima sa Pantao District Hospital pero hindi na umabot nang buhay.

Show comments