PTA ng Adamson Univ. nagsagawa ng outreach mission sa Bataan

Ang pangulo ng ADU-PTA na si Mer Layson (kanan) habang iniaabot ang isang sako ng bigas na ayuda kay Chairwoman Evangeline De Leon ng Brgy. Poblacion, Morong, Bataan kamakalawa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng outreach mission sa dalampasigan ng Morong sa Bataan ang mga opisyal ng Adamson University, Parent Teacher Association (ADU-PTA) na pinamumunuan ni Mer Layson, reporter ng pahayagang ito, noong Sabado ng umaga.

Ang misyon ay pinasi­mulan dakong alas-10:00 ng umaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng mer­yenda at loot bags na puno ng candies sa may 80 batang dumating na sinundan ng pagbibigay ng bigas at groceries sa 25 pamilya ng mahihirap na mangingisda sa Barangay Poblacion, Morong.

Kasama ni ADU-PTA president Layson sa outreach program sina BED Principal Dr.Daniel Saroca Jr., SHS Principal Dr. Lorna Espeso, ADU-PTA VP na si Lerma Lunar, Sec. Sheila Kua, Treas. Ella David, at mga Directors na sina Jesusa Fernandez, Jhoanne Talisic Queri, Margie Vargas, Majoy Nour, Robert Fajutnao, Ghie-Ann Eclevia at mga teacher representative na sina, Nea Saulog, Jaimie Eugenio, Micko Nozaleda at Majo Dugan.

Naging maayos at naaayon sa health protocol ang misyon dahil nakipag-coordinate si Layson sa mga barangay officials sa lugar na personal ding dinaluhan ni Chairwoman Evengeline De Leon, ilang kagawad at tanod ng Barangay Poblacion.

Nagpapasalamat si Layson sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na aktibidad.

Show comments