RC Malate Prime arangkada sa mga proyekto sa Quezon

Napa-thumbs up sa tuwa si Area Police Command-Southern Luzon (APC-SL) chief P/Major Gen. Rhoderick Armamento (kanan) matapos nitong tanggapin ang mga e-scooters at kahun-kahon ng face masks na donasyon ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa pamumuno ni PLP Roland Lim (kaliwa) sa APC-SL headquarters sa Lucena City, Quezon kamakalawa.

MANILA, Philippines — Umarangkada na ang Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa ilalim ng Rotary International District 3810 sa pagbibigay ng ayuda at suporta sa pulisya at sa mga residente ng lalawigan ng Quezon bilang bahagi ng kanilang mga proyekto alinsunod sa Rotary’s 6-areas of focus.

Sa pamamagitan ng kanilang tagapangulo na si Phenominal Leader Roland Lim, namahagi kamakalawa ang RCMP ng tatlong electronic scooters (e-scooter) at limang kahon ng face masks sa Area Police-Command-Southern Luzon (APC-SL) na pinamumunuan ni Police Major General Rhoderick Armamento sa Quezon.

Ang turn-over ng donasyon ay isinagawa kahapon sa APCSL headquarters sa Lucena City na sinaksihan nina RCMP Sec./PP Lea Botones at Rtn Nick Marcaida at mga opisyales ng pulisya.

Nagpasalamat naman si Armamento kay Lim at sa RCMP sa suportang ibinigay nito sa kanyang mga pulis lalo na sa mga e-scooters na maaari nilang gamitin sa pagpapatrolya imbes na naglalakad lamang.

Ngayong araw, Hulyo 16, kasabay ng kanilang itinakdang team building, magsasagawa rin ang RCMP ng feeding program, at slippers and toys distribution kung saan daang bata ang inaasahang mabibiyayaan, na susundan ng tree planting sa Hulyo 17, sa may Umahan Resort sa Brgy. Bataan, Sampaloc, Quezon.

Si PLP Roland Lim na kilala ring negosyante ay nanumpa bilang bagong pangulo ng RCMP para sa Rotary Year 2022-2023 kay Phenomenal District Governor Joyce Ambray sa katatapos na District 3810 Handover ceremonies sa Okada Manila noong Hulyo 1, 2022.

Show comments