2 lalaki natagpuang patay sa trash bags sa Cavite

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA, Philippines — Dalawang hindi kilalang lalaki ang natagpuang patay habang nakabalot sa mga trash bags sa Imus City, Cavite kahapon.

Ang buong katawan ng mga biktima ay kapwa nababalutan ng trash bags, duct tape at masking tape nang madiskubre ng mga construction workers ng Ayala Corp sa Daanghari Road, Pasong Buaya 1, Imus City.

Ayon kay Lt. Col. Pablito Naganag, Deputy Provincial Director for Administration, naniniwala ang mga imbestigador na pinaslang ang dalawang biktima sa ibang lugar at itinapon sa Imus City upang iligaw ang imbestigasyon.

Sinabi ni Naganag na nangangalap pa ng karagdagang ebidensya at testimonya ng posibleng testigo ang pulisya habang tinitingnan na rin nila kung may CCTV na nakakabit malapit sa crime scene.

Hindi pa umano natutukoy ng pulisya ang res­ponsable sa pag-salvage sa dalawang biktima at maging ang motibo sa krimen.

Show comments