Rider, angkas dedo sa road mishap

LIPA CITY, Batangas, Philippines — Patay ang magkaangkas na motorcycle rider matapos maka-head-on collision ang isang truck sa lungsod na ito, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sila Rico Javier, 42, residente ng Brgy. San Isidro Candelaria Quezon at backrider niyang si Olga Casingal, 45, ng Brgy. Looc, Calamba City, Laguna.

Ayon sa report, binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng Lipa-Alaminos Road sa Brgy. Dagatan, Lipa City nang bigla na lang silang salpukin ng truck na minamaneho ni Rolly Ferrel nang mag-overtake ito at sakupin ang kabilang linya ng kalsada bandang alas-5:51 ng umaga.

Dahil sa lakas ng impact, dead-on-the-spot ang dalawa dahil sa mga tinamong mga sugat sa ulo at katawan.

Show comments