4 pedestrian inararo ng traktora: 1 patay

CAVITE, Philippines — Patay ang isang babae habang tatlong pa ang sugatan makaraan silang araruhin ng isang traktora, habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Silang, dito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Juliana Malana habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Michael Lennon Magtalas; Mitch Lian; Ruth Magtalas, pawang nasa hustong gulang at residente ng Lalaan 2, Silang, Cavite.

Hawak naman ng pulisya ang nakabanggang driver na si Ronald Sigua na nahaharap sa mga kasong kriminal.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi habang magkakasabay na tumatawid sa kalsada ang mga biktima nang bigla silang salpukin ng rumaragasang tractor head na minamaneho ni Sigua.

Tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng mga sugat sa katawan subalit matindi ang inabot na pinsala ni Malana kaya hindi na umabot pang buhay sa ospital.

Show comments