LUCBAN, Quezon, Philippines — Matapos na matengga ng halos dalawang taon dahil sa pandemya, makakapagdaos na muli ng pamosong San Isidro Pahiyas Festival ang bayang ito.
Nakakuha ng clearance sa Department of Tourism (DOT)-Tourism Promotion Board ang Local Government Unit (LGU) upang idaos ang San Isidro Pahiyas Festival 2022.
Sa bisa ng Resolution No. 01-2022 ng Pahiyas Executive Committee ay muling idaraos ang ating Festival na magsisimula ngayong May 10, 2022 hanggang May 20, 2022.
Bukas para sa lahat ng mga fully vaccinated individual at magkakaroon ng online registration para sa mga bisita na nais sumaksi ng Pahiyas ngayong taon. Mahigpit ding ipapatupad ang minimum health Protocol.
Nabatid na dahil sa mataas na antas at percentage ng fully vaccinated individual, tinanghal ang Lucban bilang No.1 sa buong Region 4-A at lalawigan ng Quezon pagdating sa inoculation at vaccination at dahilan din sa patuloy na pagkamit ng zero COVID-19 cases bawat araw at mababang bilang ng positive cases.