5 kawani ninakawan ang pinapasukang convenience store

Sa imbestigasyon, alas-5:57 ng ­madaling araw ng madiskubre ang ginawang pagwasak sa tindahan na kung saan ayon kay Ezekiel John Hernandez, area coordinator ng Alfamart na nawawala umano ang padlock ng rolled up door at ang glass door ay sapilitang sinira.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinaghahanap ng pulisya ang 5 kawani ng Alfamart ­convenience store na siyang nagwasak ng tindahan para ito ay pasukin at pagnakawan naganap kahapon ng madaling araw sa Avenida Rizal St., Brgy. Molino 5, Bacoor City, Cavite.

Ang 5 kawani ng nasabing tindahan na itinuturing na person of interest ay sina Michelle Lebantino  Coneras, 29, dalaga, ng B13, L31, P2, Villa De Primarosa,Brgy. Buhay na Tubig, Imus; Jordan Philip Magat Dela Cruz, 25, ng Bldg. 11 Unit 107 Urban Deca Homes, Hampton, Brgy. Buhay na Tubig, Imus;  Orlanda Totañes, 24; ng #257 Ubal St., Woodsite 1, Brgy. Pasong Buaya 2, Imus; Christine Canete Silvestre, 33, ng B12 L10, Mayna St.,East 1, Camella Springville,Bacoor; at  Maria Toneth Vale, ng Imus City.

Sa imbestigasyon, alas-5:57 ng ­madaling araw ng madiskubre ang ginawang pagwasak sa tindahan na kung saan ayon kay Ezekiel John Hernandez, area coordinator ng Alfamart na nawawala umano ang padlock ng rolled up door at ang glass door  ay sapilitang sinira.

Winasak din ang Gcash machine  at kinuha ang lamang pera  at nawawala ang ilang  grocery items.

Show comments