9 opisyal ng Nueva Ecija Police binalasa

Ipinag-utos ni P/Col. Rhoderick Campo, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang pagta­talaga kay Lt. Col. Norman Cacho, dating hepe ng Guimba Police bilang bagong hepe ng San Jose City Police Station kapalit ni Lt. Col. Criselda De Guzman na nakatakdang mag-schooling.
Edd Gumban

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines — Nagsagawa ng “minor reshuffling” o pagbalasa ang Nueva Ecija Police na kinabibilangan ng pitong police station comman­ders at dalawang provincial mobile force company commanders bilang ba­hagi ng kanilang pagha­handa para sa nalalapit na 2022 national elections.

Ipinag-utos ni P/Col. Rhoderick Campo, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang pagta­talaga kay Lt. Col. Norman Cacho, dating hepe ng Guimba Police bilang bagong hepe ng San Jose City Police Station kapalit ni Lt. Col. Criselda De Guzman na nakatakdang mag-schooling.

Itinalaga naman sa bayan ng Guimba si Major Romualdo Lopez, na dating classmate ni Campo sa Philippine National Police Academy, at dating­ hepe ng Llanera Police Station.

Balik hepe naman ng Rizal PS si Major Reynaldo Ocumen, na dating police commander sa bayan ng Sto. Domingo at pinalitan niya si Major Sandy Bautista. Habang si Major Rommel Zagala ang kapalit ni Ocumen sa Sto. Domingo.

Nabatid naman na si Lt. Col. Robert Agustin ang mamumuno sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Cabanatuan City, habang si Lt. Col. Ranny Casilla ang hahawak sa 2nd PMFC naka-base sa San Jose City.

Nauna rito, pinalitan ni Lt. Col. Jackyll Bilibli si Lt. Col. Heryl Bruno bilang hepe ng Talavera PNP. Itinalaga naman si Bruno na hepe ng Mabalacat City Police sa Pampanga.

Pinapalitan din ni Campo na hepe sa bayan ng Bongabon si Major Steven Dela Cruz, na nag-early retirement option at ang kapalit niya ay si Major Nelson Sar­miento.

Show comments