Maglola patay sa gumuhong bahay

Nakilala ang mag­lolang nasawi na sina Maria Theresa Fernan­dez, 61, may-ari ng bahay at apo nitong si Lhencesca Fernandez­, 7-an­yos matapos ma­tabunan.
STAR/ File

ORION, Bataan, Philippines  — Nasawi ang mag­lola habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos gumuho ang ikalawang palapag ng isang kinukumpuning­ bahay kahapon sa Ba­rangay Sabatan sa bayang ito.

Nakilala ang mag­lolang nasawi na sina Maria Theresa Fernan­dez, 61, may-ari ng bahay at apo nitong si  Lhencesca Fernandez­, 7-an­yos matapos ma­tabunan.

Nasugatan naman ang kaanak ni Maria Theresa na si Leonardo­ Fernandez at 6-anyos na helper na si Lito Bau­tista.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang insi­dente, alas-3:00 ng hapon ay abala sa paggawa sa ikalawang palapag ng bahay sina Fernan­dez at Bautista, habang­ nasa ibaba ng bahay ang maglola, nang bigla na lamang gumalaw ang ginagawang flooring­  at bumagsak at nadaganan ang maglola.

Posibleng hindi uma­no kinaya ng ginamit na bakal ang bigat ng flooring na kanilang gi­nagawa dahilan para bumigay ito at tuluyang gumuho.

Inabot ng halos tatlong oras bago maiahon­ ng mga rescuers ang maglola.

Show comments