2 magsasaka itinumba sa sakahan

MLANG, North Co­tabato, Philippines — Nadiligan ng dugo ang isang sakahan matapos na pagbaba­rilin ng hindi pa kilalang suspek ang dalawang magsasaka sa gitna ng sakahan, kamakalawa ng hapon sa ba­yang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rufo Angelika, 50-anyos, re­sidente ng Barangay Tibao M’lang Cotabato at Sinon Simpino, 51- anyos, ng Barangay Greenhills President Roxas Cotabato.

Batay sa report ng M’lang-PNP, naganap ang pamamaril sa may sakahan sa Barangay Tibao ng nasabing bayan.

Lumalabas sa im­bes­tigasyon, habang nag­­tatrabaho ang da­lawa sa sakahan na pag­mamay-ari ng isang Jun Nietes, ay bigla na lamang dumating ang mga suspek na armado ng matataas na armas at walang babalang pi­­nagbabaril ang mga biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng aga­ran nilang kamatayan.

Matapos ang krimen,­ mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat­ ng mga otoridad sa na­sabing krimen. (=

Show comments