9 timbog sa 2 drug den sa Pampanga

MANILA, Philippines — Arestado ang siyam katao matapos sala­ka­yin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-3) ang dalawang drug den sa Barangay Dau, Mabalacat City. Pampanga, ka­ma­­kalawa.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Philippine­ Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Bryan Babang­, kinilala ang mga suspek na sina Marivic Pi­neda, 52, sinasabing­ drug den maintainer; Mary Ann Barnachea­, 30, Gean Cloid Villaro­man­, 21, Reymark Man­zano, 28, Renato Marcelo, Katherine Surla, alias “Tirin” nasa drugwatch­list ng pulisya, 36, taga-Brgy. Manibaug Paralaya, Porac, Mar­­lito Calaguas, 60, Ra­montito Nicdao, 36, taga-Santa Ines, bayan ng Bacolor at Renel Buan, 33, habang nailigtas ang dalawang menor de edad at dinala sa tanggapan ng Local Social Welfare Development Office.

Nasamsam sa ope­rasyon ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170.000.00, assorted drug paraphernalia, at perang ginamit sa nasabing operas­yon.

Isinailalaim na sa drug test ang mga na­aresto at sasampahan­ ng kaso dahil sa pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments