MANILA, Philippines — Magkaroon ng mapayapa at malinis na eleksyon sa susunod na taon sa buong Central Luzon.
Ito ang tinatarget ni Philippine National Police (PNP) Regional Police Office 3 Commander PBGen. Valeriano de Leon, kaya ngayon pa lang ay inilalatag na nila ang isang operation plan para sa isang violence free at honest election sa 2022.
“We will make sure na safe ang bawat kandidato, mga leaders nila at supporters sa karahasan o kapahamakan dahil ilalabas namin ang lahat ng mga tao namin para mabantayan ang kanilang mga area of responsibility at mapalawig pa ang police visibility,” wika ni De Leon.
Iniulat din ni De Leon na naging mapayapa ang unang araw ng paghahain ng kandidatura sa kanilang lugar at nais nitong mapanatili na payapa ang lahat hanggang sa pagkatapos ng halalan sa susunod na taon,” dagdag pa ng heneral.