Mister pinasok sa bahay, piñata

MASBATE CITY, Philippines — Bulagta sa loob ng kanyang bahay ang isang kagigising pa lamang na 43-anyos na mister matapos na pasukin at pagbabarilin ng dalawang gunmen sa Purok-6, Brgy. Asid, ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the spot makaraang mapuruhan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Robert Valenzuela Dela Cruz,residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-5:15 ng umaga, bagong gising ang biktima nang tumungo sa sala ng kani­lang bahay.

Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay biglang pumasok ang hindi nakilalang mga suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima.

Show comments