MARIVELES, Bataan, Philippines — Balik-trabaho na ang libu-llibong manggagawa sa mga pabrika sa Freeport Area of Bataan (FAB) matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang bayang ito kamakalawa.
Matatandaang isinara ang lahat ng pabrika sa FAB noong Agosto 8 nang maapektuhan sa pagsasailalim ng national government sa ECQ ang Bataan na nagtapos noong Agosto 22.
Ang bayan ng Mariveles ang itinuturing na epicenter ng COVID-19 sa lalawigan kung saan mahigit isang libo ang mga nagpositibo ng nakamamatay na virus.
Base sa huling ulat, nasa 5,085 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Mariveles habang 4,064 ang total recoveries at 144 naman ang nasawi.