2 ‘tulak’ tumba sa shootout

KORONADAL CITY, Philippines — Napatay ang dalawang drug suspect matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na naglunsad ng buy-bust operation sa Purok Hechanova, Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arnel Davilla, ng Purok 19, Brgy. Fatima, General Santos City at Edward Cordevilla Jr., ng Dahlia Street, Brgy. Poblacion, Polomolok.

Ayon sa mga otoridad, pinaputukan ng mga suspek ang operating team matapos nilang matunugan na pulis ang kanilang katransaksyon sa bentahan ng droga na naging sanhi ng shootout.

Bulagta ang dalawang suspek na kapwa idi­neklarang dead-on-arrival sa ospital pasado alas-4 ng hapon.

Narekober sa nasabing lugar ang dalawang baril, mga bala, walong sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang pakete ng marijuana at P1,000 marked money.

Show comments