Treasure hunter todas sa kuweba

Kinilala ang namatay na si Anwar Ayao Zacari, 31-anyos at residente ng nabanggit na lugar habang ligtas naman ang da­lawa nitong mga kasamahan.
PSN/File

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao, Philippines — Patay na nang ma­tagpuan ang isa sa tatlong mga treasure hunter na pinanini­walaang na-suffocate sa kuweba sa Sitio Nabilan, Dimapatoy, Barangay Proper Di­naig ng nasabing bayan, kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Anwar Ayao Zacari, 31-anyos at residente ng nabanggit na lugar habang ligtas naman ang da­lawa nitong mga kasamahan.

Ayon kay BFP Maguindanao Provincial Director S/INSP. Ro­nald Ali Ampang, pumasok sa kuweba ang tatlong treasure hunter­ upang magbakasakaling may makuhang kayamanan.

Nanguna ang rescue team ng Maguin­danao at BARMM sa pagligtas sa mga biktima na na-trap sa kuweba.

Show comments