MAGUINDANAO, Philippines — Iprinisinta ng 603rd Infantry Brigade at ng 38th Infantry Battalion sa punong ehekutibo ng bayan ng Maitum sa lalawigan ng Sarangani ang 97 loose firearms sa isinagawang turnover ceremony sa Municipal Gym ng Maitum sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Colonel Eduardo Gubat, ang Commanding Officer ng 603rd Infantry Brigade ang nasabing mga baril ay kinabibilangan ng 94 homemade shotguns, mga bala, dalawang (2) M79 grenade launchers at isang homemade pistol.
Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Anhouvic Atilano, Commanding Officer ng 38IB na ang pagkakumpiska nila sa nasabing mga armas ay sa pinaigting na community support program at ang walang humpay na pagsasagawa ng focus military operations sa lugar.