MANILA, Philippines — Dalawang aktibista mula sa rehiyon ng Bikol ang patay bago ang isinagawang ikaanim na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte — nabaril sila habang gumagawa raw ng protest graffiti.
Lunes nang mapatay sina Jemar Palero, 22, at Marlon Naperi, 38, matapos makita ng pulis na tinatapos ang "Duterte Ibagsak" graffiti sa Banao Bridge, ayon sa ulat ng Defend Bicol Stop The Attacks Network, Lunes ng gabi. Nangyari ito ilang oras bago ang SONA ni Digong.
Related Stories
Miyembro ng Organisasyon ng mga Magsasaka sa Albay (OMA) si Palero habang kasama ng human rights group na Albay People's Organization (APO) si Naperi. Pareho silang residente ng Guinobatan, Albay.
"The unarmed civilians are now being branded as 'nanlaban' by police forces, an old narrative of the police being used in tokhang operations," ayon sa Defend Bicol Stop The Attacks Network kagabi.
"Defend Bicol Stop The Attacks Network condemns, in the strongest term, this brazen attack on human rights. Dissent may take on many form, but to kill innocent unarmed civilians in the dead of the night for painting the people's call is purely fascist and brutal."
Kinukuha pa ng Philstar.com ang panig ni Brig. Gen. Ronnie Olay, Philippine National Police spokesperson, patungkol sa isyu at paratang sa kapulisan, ngunit hindi pa rin tumutugon sa panayam hanggang sa ngayon.
Nangyari ang insidente matapos lang sabihin ni Digong sa kanyang huling SONA na "mahal niya ang mga Bikolano" habang ipinapaliwanag ang kanilang mga infrastructure projects doon.
"We also completed the Junction Lanao-Pagadian-Zamboanga City Road, which will provide easier access to farms and easily transport their agricultural products at low cost and in great quantities to industries and economic zones located in Diplahan, Zamboanga Sibugay. The Sorsogon City in Bicol, inuna namin 'yan kasi mahal ko ang mga Bicolano," sabi ng presidente kahapon.
Dati nang binabantan ni Digong ang mga ligal na aktibista gaya ng human rights advocates sa gitna ng kanyang madugong "war on drugs," dahilan kung kaya't ipinasisilip na siya para sa "crimes against humanity" sa International Criminal Court.
Dati na ring ikinakabit ni Duterte ang mga ligal na pambansa-demokratikong grupo sa rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA). Ilang beses nang nauwi sa pagkamatay ang mga ganitong gawi ng red-tagging sa Pilipinas.