26 tulak tiklo sa P1.7 milyong droga at armas x

LANAO DEL SUR MANILA, Philippines — Arestado ang nasa 26 na pinaniniwalaang mga tulak droga matapos na makuha sa mga ito ang tinatayang P1.7 milyong halaga ng shabu at iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril sa mga magkakahiwalay na operasyon ng otoridad sa lalawigang, iniulat kahapon.

Sa ulat mula kay Lanao del Sur provincial police director P/Col. Rex Derilo, ang 26 na mga suspek ay nahaharap sa iba’t ibang kaso kabilang na rito ang drug trafficking, murder, pagnanakaw at iba pa.

Ang pagkakahuli sa mga suspek ay kasunod ng inilunsad na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations ng pulisya kung saan nakuha rin sa mga ito ang limang M16 rifles, .30 caliber Garand rifle, M1 Carbine rifle, 9 millimeter Uzi machine pistol, limang mga .45 caliber pistols at isang .38 caliber revolver.

Nakuha rin sa mga ito ang anim na mga rifle grenade, dalawang 40 millimeter grenade projectiles at shabu na tinatayang nasa P1.7 milyun na tumitimbang ng kalahating kilo.

Show comments