PSN corres bagong pangulo ng Bulacan Press Club

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nahalal na bagong pangulo ng Bulacan Press Club ang provincial corres­pondent ng pahayagang ito (Pilipino Star NGAYON) na si Omar Padilla kasunod ng kanyang pagkapanalo sa ginawang halalan kamakalawa ng hapon, dito.

Kasamang nagwagi ni Padilla ang kanyang ka-tandem na si Manny Balbin ng Philippine News Agency at Ronda Balita bilang Vice-President.

Halos lahat ng kasama ni Padilla sa kanyang team ay pawang nagwagi sa ginanap na halalan ng kanilang press organization, kabilang dito sina Jose Rhene Reyes ng pahayagang Bulacan NewsCatcher bilang secretary, Harold Raymundo ng pahayagang Mabuhay bilang treasurer at Sally Lariosa ng pahayagang Luzon Times bilang auditor.

Panalo rin bilang mga board of directors sina Corsini Reyes ng Bulacan NewsCatcher, Dong Petallana ng Luzon Times/Diyaryong Tagalog, Kevin Ramos ng Bulacan NewsCatcher, Mario Batuigas ng Latigo Newsweekly/Latigo On-Line News, Verna Santos ng Bulacan Express at Vhioly Arizala ng Newscore. Si Padilla ay manunungkulang pangulo ng Bulacan Press Club sa loob ng dalawang taon.

Show comments