Obrero itinumbang tandem

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Patay ang isang construction worker matapos barilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Aliba­dabad, San Mariano ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Giovanni Ignacio, 30 ng Brgy. San Pedro sa nasabing bayan.

Sa ulat, papasok sana ang biktima sa trabaho kasama si Jeremy Babaran, 20, residente ng Brgy. Daragutan East nang biglang umatake ang dalawang suspek na naka-helmet at nakasuot ng itim na sweater sakay ng isang motorsiklo.

Mapalad naman na hindi tinamaan ng bala si Babaran habang napuruhan si Ignacio na kanyang ikinamatay.

Show comments