SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Pinagbabaril ang isang ginang at ang kanyag bagong lover ng dati nitong kinakasama,kamakalawa ng gabi sa bayang ito.
Idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Marbi Capin, 51-anyos habang sugatan ang kanyang lover na si Richel Clarin.Tumakas naman ang suspek na si Manuel Santos.
Ayon kay Lt. Col. Jordan Santiago, police chief of San Miguel, na nagtungo ang suspek sa bahay ng mga biktima sa Barangay Pulong Bayabas na armado ng kalibre 45 baril at nang pumasok ng bahay ay pinagbabaril ang mga biktima.
Nang duguang bumulagta ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang dalawa ay mabilis na dinala sa San Miguel District Hospital na kung saan idineklarang patay si Capin.