MAGUINDANAO, Philippines — Bumulagta ang isang notoryus drug lord matapos umanong manlaban sa otoridad nang isilbi ang warrant of arrest sa bahay nito sa Barangay Lipao, Datu Paglas, Maguindanao kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Abdulatip Pendaliday alias “Grasscutter”, nasa hustong gulang at nahaharap sa patung-patong na kaso.
Ayon kay Brigadier General Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade, humantong sa shootout ang pagsisilbi lang sana ng tropa ng 40th Infantry “Magiting” Battalion ng Joint Task Force Central kasama ang Datu Paglas Police at Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM ng warrant laban sa suspek na agad na pinaputukan ang mga otoridad sanhi ng engkuwentro dakong alas-6:50 ng umaga.
Natapos ang barilan nang mapuruhan ng bala ang suspek at nasawi.
Sinabi naman ni Lt.. Col. Edwin Alburo, commanding officer ng 40IB, sa isinagawang clearing operations, narekober nila ang limang caliber .45 pistol; isang cal.38; 2-fragmentation grenade; 2-rounds ng RPG anti-tank; ¼ gramo ng white crystalline substance, 2-digital measuring device, mga bala
“Pendaliday was also considered as a notorious drug lord with a standing warrant of arrest for violation of Republic Act 9165 and escapee of Maguindanao provincial jail”, pahayag ni Alburo.